top of page
195-1957011_old-burned-vintage-paper-tex

Si Kier James A. Ruzol ay isinilang noong ika-26 ng Disyembre, 2004. Siya ay ipinanganak sa bayan ng Baler, lalawigan ng Aurora. Ang kanyang mga magulang ay sina Myra A. Ruzol at William R. Ruzol. Ang may akda ng Portfolio na ito ay nagtapos ng kanyang Elementarya sa Ruperto Zubia Elementary School (RZES) noong 2016 na may karangalan. Ipinagpatuloy niya ang kanyang sekondarya sa Baler National High School at nagtapos na may karangalan. Kasalukuyan ay nag aaral siya sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Aurora, Baitang 12 sa Senior High.

 

Noong si Kier ay nasa elementarya pa lamang, siya ay nahilig sa pagsusulat at sumali sa campus journalism ng kanyang paaralan bilang Editorial Writer. Lumahok din siya sa iba't ibang mga leadership trainings at mga seminar ukol sa Disaster Risk Reduction. Aktibo din siyang nakikilahok sa mga sports tulad ng volleyball at swimming. Isa si Kier sa mga youth leaders ng kanilang simbahan na nangunguna sa mga gawang pangkabutihan, at iba pang mga pagtulong sa komunidad. Sa kasalukuyan ay isa siya sa mga nangunguna sa organisasyong YES-O bilang Vice President nito. Siya ngayon ay naghahanda sa entrance exam ng Philippine National Police Academy.

324218245_705668847970150_6163711876767628100_n_edited.jpg
bottom of page