

Si Julian I. Suaverdez ay isinilang noong ika-21 ng Disyembre taong 2004 sa LPDH lungsod ng Maynila. Siya ay nagtapos ng primaryang edukasyon sa Seventh Day Adventist (SDA) hanggang Baitang 5 at lumipat sa Angelcare Science Academy (ANSA) para sa Baitang 6, at dito na rin niya natapos ang Junior High School. Kasalukuyan niyang tinatapos ang Baitang 12 sa Aurora National Science High School (ANSHS) at naghahandang mag-apply sa kolehiyong University of the Philippines (UP) at University of Santo Tomas (UST).
Si G.Suaverdez ay sumali sa essay contest noong siya ay Baitang 9. Siya rin ay nagkamit ng mataas na karangalan mula Baitang 8 hanggang Baitang 10 sa paaralan ng Angelcare Science Academy at noong Baitang 11 siya ay nagkamit ng mataas na karangalan sa Aurora National Science High School Taong 2021-2022.
