

Si Marius Joshua V. Tayo ay isinilang sa Baler, Aurora noong ika-26 ng Nobyembre taong 2005 sa mag-asawang Dinmar at April. Nang siya ay tatlong taong gulang, siya at ang kanyang buong pamilya ay nanirahan sa Vancouver, Canada. Pagkatapos ng ilang taon, muli silang bumalik ng Pilipinas at dito na niya ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Nag-aral siya ng sekondarya mula Baitang 7 hanggang 9 sa Angelcare Science Academy kung saan nahubog siya sa kaalamang pang-akademya at ispirituwal. Naging kinatawan din siya ng Angelcare sa Municipal at Provincial Essay Writing Contest tungkol sa Disaster Risk Reduction, kung saan siya ang nanguna sa parehas na kompetisyon. Nang magkaroon ng pandemya noong 2019 ay nanirahan ang kanyang pamilya sa Cavite, kung kaya si Marius ay nagtapos ng sekondarya sa Jesus Christ King of Kings Academy (JCKL), kung saan siya ay binigyan ng mataas na karangalan.
​
Sa kanyang pagtuntong sa Baitang 11 ay inasam niyang mag-aral sa Aurora National Science High School. Naniniwala siyang ang mataas na paaralang ito ay epektibong linangan ng mga mahuhusay na kabataang gagampan ng mahalagang layunin sa lipunan, at siya ngayon ay kasalukuyang nasa Baitang 12 sa ANSCI. Pagkatapos ng Senior High School ay babalik siyang muli sa Canada upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Subalit hindi niya kailanman kakalimutan ang Pilipinas at ang ANSCI na malaking bahagi ng kanyang pagkatuto at paglago.
