top of page
195-1957011_old-burned-vintage-paper-texture-old-burnt-paper-background_edited_edited_edit

Si James Bernard R. Quiben ay isang mag-aaral sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Aurora (ANSHS) na nakapaloob sa DepEd Region III. Siya ay nakapagtapos ng Junior High School  mula Baitang 7 hanggang Baitang 10. Siya ay nakatanggap ng karangalan noong siya’y nasa Baitang 10 at Baitang 11.

 

Nag-aral siya at nakapagtapos ng elementarya sa paaralan ng Philos Montessori Learning Center Incorporated (PMLCI) noong 2017 at patuloy na nag-aral sa Aurora National Science High School bilang Junior High School. Siya ay kinikilala ng kanyang mga malalapit na kaibigan bilang isang mahusay na mangguguhit mula elementarya hanggang ngayon. Sumabak siya sa paligsahang Sci-Art competition bilang panlaban ng kaniyang paaralan laban sa ibang paaralan. Ang kanyang pagkatalo sa kumpetisyon na iyon ay naging malaking salik ng kanyang simula ng pagkawala ng kanyang interes sa kanyang talento.

 

Ang karaniwang isinusulat niya sa kaniyang mga ambisyon sa Moving up o Graduation ceremony ng kanyang paaralan ay maging mahusay na arkitekto ngunit simula nung makamit niya muli ang kanyang interes sa pagguhit. Siya’y nagdesisyon na maging tagaguhit ng manga o webtoon base sa kanyang panibagong kagustuhan. Ang pandemya ay isa sa mga salik na naka-apekto sa kanyang mga interes kaya’t naisipan niyang mag-aral gumuhit ng digital upang kanyang maging panibagong libangan. Kasalukyan siyang patuloy na nag-aaral bilang Baitang 12 sa Aurora National Science High School (ANSHS) sa strand sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) at bilang dagdag ay gumuguhit siya ng mga sining na kanyang ipinapakita sa iba’t ibang tao sa social media.

323691420_712660600511299_2849852470733299376_n_edited.jpg
bottom of page